Biyernes, Enero 2, 2015

Ang blog na ito ay ginawa para ipakita ang kagandahan ng Davao city

Ang Davao ay isang napakagandang lungsod.Ito ang pinaka malaking lungsod sa Pilipinas.Ito ay isa sa pinaka ligtas na lugar sa Pilipinas dahil sa mga batas dito katulad ng pagbabawal ng paggamit ng paputok tuwing bagong taon.

Madalas dayuhin ng mga turista ang Davao dahil sa magagandang lugar katulad ng:

Crocodile park
Ang lugar na ito ay kilala dahil sa mga buwaya at iba't ibang klaseng hayop na nandito.May zorv park kung saan mag papagulong gulong ka sa loob ng isang bola at waterball din kung saan pwede kang maglakad sa tubig gamit ang isang bola.May lechon buwaya din dito na mahilig kainin ng turista dahil ito ay kakaiba














Crocodile park



People's park


Ang parkeng ito ay walang entrance fee.Pinagmamalaki ng parkeng ito ang life-size sculpture ng mga lumad.Maraming madalas mag-jogging at mag-ehersisyo sa  promenade.May man-made waterfall at playground sa bata dito.May dancing fountain tuwing pasko.





Philippine Eagle Nature Park


Dito ka makakita ang Philippine Eagle,isang aguila na malapit ng maubos.Mayroon 36 na Philippine Eagle dito.May 10 na iba't ibang species ng ibon at 4 na species ng mammals dito.




Philippine Eagle Nature Center


SM LANANG IMAX

Ito ay ang isa sa pinaka sikat na mall sa Davao.May IMAX dito at iba't ibang mgashop at entertainment dito kaya maraming pumupunta dito.May mga restawrant din dito




SM Lanang

EMARS WAVE POOL

    Ito ang isa sa pinaka magandang resort sa Lungsod ng Davao. The best itong pasyalan kapag summer man o hindi at  lalog lalo na kung kasama ang pamilya at kaibigan.  


Emars Wave Pool

EDEN NATURE PARK

             Ito ay isang pook pasyalan na kung saan, ikaw maaaliw kapag puumunta ka dito. Isa sa mga rason kung bakit, dahil sagana ito sa mga halaman at puno. Kung gusto mo naman din na maging adventurous ay pwede na pwede kang tumawid sa hanging bridge o mag zipline. Kung pagkain naman ang pag uusapan  ay siguradong  hahandaan ka nila ng  masasarap na pagkain. 
 








Eden Nature Park



Ito ang mga Ipinagmamalaki ng Davao


 1.Durian

Sabi daw nila ang Durian "tastes like heaven but smells like hell".Hindi makukompleto ang pagpunta mo sa Davao kung hindi mo ito matitikman.Ang prutas na ito ay sikat dahil ito ay may kakaibang masarap na lasa.Ito rin ay masustansya.
2.Philippine Eagle

Dito sa Davao matatagpuan ang Philippine Eagle Nature Park kung saan makakakita ka ng Philippine Eagle.Sila ay si Pag-asa at Malaya.



3.Mga Malls


Maraming magagandang Malls sa Davao.Ang Abreeza Mall At ang SM Lanang ang halimbawa nito.Marami kang pwedeng gawin sa mga malls na ito.May sinehan,restawran at mga shops.

4.Lechon Buwaya

Ito ay sikat dahil ito ay kakaiba.Nabibili ito sa Davao Crocodile Park.Sabi daw nila,Ito ay lasang manok.Imbes na mansanas ang nilalagay sa bibig katulad ng Lechon baboy,buko ang nilalagay sa Lechon Buwaya.